April 11, 2007
MEMORIES
I found this one while disposing old papers and other documents. Wala lang, matagal na rin pala akong di nagsusulat.
Paglimot
Naging maramot ang gabi!
Tinangay ng hangin ang mga kataga
At inanod ng ulan ang mga salita
Na dapat sana'y iaalay sa iyo.
Ang siya ring hangin at ulang
Nagtulak sa paglikha ng mga alaalang
Nagsilbing pamayapa ay siya ngayong
Kamay sa paglikha ng dilim at paglimot.
Datapwat mapagbigay ang kandila.
Dali - dali niyang inalay ang sariling luha
Upang maging tinta ng plumang
Lilikha ng mga bagong alaala.
************
Posted by ShadowMaster on April 11, 2007 at 11:13 AM | 2 looked at death with awe


ordinarygirl07
iamkarlo
